PROTEKTADO SI GAMBLING OPERATOR ZALDY NG NBI AT CIDG

SINALAKAY ng Police Station 7 (o Cubao Police Station) ng Quezon City Police District (QCPD) ang Lanai Disco Club sa Imperial Street sa Cubao Quezon City nitong Disyembre 7.
Walong empleyado ang dinakip at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 10364 o ang The Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, ayon sa Public Information Office (PIO) ng QCPD.
Ang sinampahan ng kasong kriminal ay sina Sittie Sarh Mohammad Aljassen, Sherwin Cezaldo , Violeta Bautista, Dlady Cyl Feleciano, Jonathan Bumanglag, Odessa Lazo, Francis Oreta at Elizalde Agustin.
Umabot sa 72 kababaihan, kabilang ang ilang minor de edad ang sinagip mula sa Lanai Disco Club.
Ang operasyon ng QCPD – PS 7 ay batay sa sumbong na nakara-ting sa QCPD na mayroong nagsasayaw ng hubad sa Lanai Disco Club, tugon ng PIO.
Nang nakumpirmang totoo ang sumbong, sinalakay ng QCPD – PS 7 ang Lanai.
Hindi pa rin ako napahanga ng mga pulis ng QCPD – PS 7 kahit sinalakay, hinuli at kinasuhan ng kasong kriminal ang walong katao na konektado sa Lanai sa piskalya dahil sa paglabag sa R.A. 10364, sapagkat hindi nila dinakip at kinasuhan ang may-ari ng Lanai Disco Club na si kilala sa tawag na “Jorge.”
Napakatagal nang panahong nagpapasayaw ng hubo’t hubad na batang-batang mga babae ang may-ari ng Lanai na si Jorge.
Ibig sabihin, matagal nang nag-aalok ng prostitusyon si Jorge.
Ngunit, hindi pa nahuhuli at napapakulong si Jorge sa kasong prostitusyon at human trafficking.
Tapos, ngayong nahulihan uli ng QCPD – PS 1 ang Lanai ng mga nagsasayaw nang hubo’t hubad ng mga kababaihan kung saan minor de edad ang marami sa kanila ay hindi pa rin nadadakip si Jorge.
Hindi lang Lanai ang bahay-aliwan ni Jorge.
Napakarami pa nitong bahay-aliwan sa Commonwealth Avenue.
Sa pagkakaalam ko, beterano na si Jorge sa negosyo ng bahay-aliwan.
Beterano na siya sa pagpapasayaw ng mga minor de edad nang hubo’t hubad.
Sabi ni Brigadier General Ronnie Montejo, ang district director ng QCPD, ang pagsalakay sa Lanai Disco Club ay magsilbing “stern warning” sa mga iba pang establisimiyento sa Quezon City na parehas din ang negosyo.
Seryoso ba itong babala ni Montejo o publisidad upang mapansin ni Brigadier General Debold Sinas, ang regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO)?
Kung seryoso at tapat si Montejo, ipasalakay niya ang FHM KTV sa West Avenue na balitang-balita na matindi ang prostitusyon hanggang sa ilalim ng club na ito.
Ipasalakay din ni Montejo ang mga bahay-aliwan sa Quezon Avenue, lalo na iyong malalakas sa Philippine National Police (PNP) at sa pamahalaang lokal ng Quezon City tulad ng Pegasus at Classmate.
Napakaraming babae sa mga club sa Quezon Avenue, lalo na sa Pegasus at Classmate.
Pero, kung mananatiling tahimik si Montejo sa ibang bahay-aliwan, posibleng nagkaproblema lang ang Lanai Disco Club sa QCPD.
Ang tanong ko: “Napasok na kaya ni alyas Jess ang Lanai Disco Club?”
Kaya ko itinatanong ay dahil masyadong matunog ang pangalan ni alyas Jess, ang pulis na bagman/kolektor ng isang opisyal sa QCPD.
***
Bukas ang kolum na ito sa inyong tawag at text sa: 0998 – 5650271

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *