Domoble ang bilang ng kaso ng Corona Virus  Disease o COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ang kumpirmadong may sakit sa listahan ng Department of Health (DOH) na taga-Lungsod ng Maynila nasa 13.
Ngunit makalipas lamang ng humigit 24 oras,  nadagdagan agad ito ng 17 na kumpirmadong may sakit ng COVID-19 sanhi upang umakyat sa kabuuang bilang na 30.
Sinabi rin ng alkalde na nasa 76 lamang ang unang datos ng Persons Under Investigation (PUIs) ngunit nadagdagan din ng 13 pa kaya ang kabuuan bilang ngayon ng PUIs sa Maynila na sa 89.
Habang nanatili naman sa dalawa ang namatay na kabilang na sa kabuuang datos ng kumpirmadong  nagpositibo sa COVID-19.
Muli namang nanawagan ang alkalde sa publiko at sa mamamayang taga Maynila na sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan upang makaiwas na kumalat pa ang COVID-19.
Aniya, ang COVID-19 hindi lamang kalaban ng pamahalaan kundi kalaban ng taumbayan kaya naman dapat aniyang sumunod at pairalin ang social distancing na tila aniya binabalewala ng taumbayan maging ang quarantine insuance.
“Kaya hindi tayo magtataka kung patuloy at kakainin tayo nitong COVID-19 kung hindi talaga tayo sumunod,” ayon pa sa alkalde.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *