PAGLIKHA NG MDDA SUPORTADO NI GO

UPANG mabigyan ng mas maayos at dekalidad na serbisyo ang lahat ng Filipino sa buong kapuluan, naghain si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ng panukalang batas na layong lalo pang palawakin ang kapasidad o ang kakayahan ng paglilingkod ng mga pampublikong ospital na akma sa pangangailangan ng taumbayan.
Sa kasalukuyan, nabatid na kapos ang bed capacity maging ang service capability ng 73 DOH-retained hospitals sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 1226 o ang panukalang DOH Hospital Bed Capacity and Service Capability Rationalization Act of 2019, nais ni Sen. Go na mapabilis ang proseso sa pagsasaayos o pagpapabuti ng mga pampublikong ospital para sa kapaka-nan ng mga pasyente.
“Under current regulations, a DOH hospital can only increase its bed capacity and improve its service capability through legislation,” anang senador.
“Ayusin po natin ang proseso para matulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan magpagamot. Kapag maayos ang kalusugan ng mga Pilipino, mas dadali ang pag-asenso ng bayan,” ani Go na idiniin ang kahalagahan ng kalusugan ng bawat mamamayan upang siya at mas maging produktibo.
Sa SB 1226, inaatasan ang DOH na magbigay sa committee on health ng House of Representatives at sa committee on health and demography ng Senado, ng taunang report ng mga ospital hinggil sa kinakailangang bed capacity at pondo.
Ang report ang gagawing basehan ng Kongreso upang maisama sa popondohan sa ilalim ng General Appropriations Act ang pagsasaayos sa DOH-run hospitals.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *