Grabeng pagbaha sa Cagayan at Isabela; illegal logging buking

BIGLANG pinatigil ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtitinda ng vendors sa kalye ng Ilaya, Binondo, Manila.
Ito’y matapos niyang personal na makita sa sorpresang pagbisita sa Ilaya ang nagkalat na basura ng vendors Lunes ng umaga.
Sa ngitngit ni Kois, pinagalitan n’ya ang nadatnang vendors at hindi na pinayagang makapagtinda uli ang mga ito kinagabihan.
Iyakan ang vendors!!! Magugutom daw sila, magpapasko pa raw naman…
Tama lang ang ginawa ni Kois. Dapat lang bigyan ng matinding dagok ang mga dugyot na vendors na ito para makapag-isip sila ng tama, ng kalinisan… at nang matuto ng salitang “kaayusan”.
Sa ibang erya na hindi naman nagkalat ang basura ng vendors, na naglinis matapos ang magdamag na pagtitinda, ay tuloy ang kanilang hanapbuhay sa gabi.
Sa Ilaya lang naman ang pinatigil ni Kois ang vendors. Sa palagay ko ay papayagan n’ya uli makapagtinda rito ang vendors. Dinidisiplina lang niya ang mga dugyot na ito.
Kaya our dearest Manila vendors, kung ayaw ninyong mapatigil uli ang inyong pagtitinda sa kalye, sumunod kayo sa ordinansa ng Lungsod na “Kalat ko, Linis ko”. Dapat ay may nakahanda na kayong mga sako na paglalagyan ng inyong mga basura pagsapit ng oras ng pagtitiklop ng mga paninda kundi “Stop vendors” kayo kay Kois. Mismo!
Mayor Kois, sige na, pare ko…bigyan nyo ng isa pang tsansa makapagtinda ang vendors sa Ilaya. ‘Pag inulit pa nila ang pag-iwan ng tambak na basura sa kalye, wala nang rason para magalit pa sila sa inyo. That’s the time na ikumpas n’yo ang inyong magic wand: “Stop vendors!”.

Katiwalian sa pagbili ng body cam naungkat
– Kung di pa pala nagpanukala uli ng body cam (para sa operatives) si Vice President Leni Robredo ‘di pa malalaman ang scam o kotong sa camera last year. Bakit?
Parang si Albayagde lang, kundi pa naungkat ang for sale na GCTA ay ‘di pa mabubuking ang kaso n’ya. Ayos ah! Iba talaga PNP sa kawalanghiyaan. Basta magkakamal ng pera, patigasan ng mukha. Di ba kasangga ni PIM ang Russia? Bakit di n’ya gayahin ang style ni PUTIN? Kasi si PUTIN ‘di sangkot sa droga. Simple lang… di ba walang patayan at taniman?
Sa alok at hamon kay Leni, sa tingin ko di siya magtatagumpay. Dito ang magtatagumpay ay ang PATIBONG ni PIM at Bong GO na mawala sa landas nila si Leni. Sabay katsaw at tuloy ang negosyo ng mga Duterte sa ….
Sana lang ay gabayan ni Lord si Leni para ‘di magtagumpay ang PATIBONG ng tropa ni PIM. Pero pwede pa siyang umatras na kasama siya sa raid sa droga. Marami kasi mapagbalatkayo sa gobyerno, kunwari galit sa droga. Sila pala ang kunsintidor. – Juan ng Tondo

Talamak ang shabu sa Bgy. 12

– Dito sa aming barangay, Bgy. 12, Delpan, Tondo, Manila, under Chair Baby Arboleda, ay grabe na ang talamak ng droga (shabu). Dami tulak. Kakainis! Kakasawa tingnan. Harapan ang bigayan ng shabu. Alam naman ito ng barangay officials namin pero ‘di nila pinapansin, hindi inaaksiyunan. Sakop kami ng Station 2 (MPD). Sana naman mag-operate sila rito. Dami talagang tulak dito. Sobra na eh… masakit sa mga mata tingnan ang abutan sa kalye lalo sa iskinita. Concerned citizen lang po ako.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close