Raket sa Philhealth sa Palompon General Hospital (Leyte)

Hindi ko mawari ang kaisipan ng DOTR at LTFRB, dagsa ang problema sa TRAFFIC dahil sa DAMI NG SASAKYAN sa kalsada. Pero imbes magbawas ay dagdag pa sila nang dagdag ng bagong rehistro ng APPs public vehicle tulad ng GRAB at ANGKAS. Na-eenganyo tuloy na bumili ng mas maraming motorsiklo at UV ang isang tao para ipa-arkila, na LALONG NAGPALOBO sa bilang ng mga sasakyan sa kalsada. PAPAANO NA ANG TRAFFIC, MAGKANO ANG DAHILAN? Tingin ko may korapsyon dito. – Concerned citizen.Pagsisikap ni Yorme mapaganda  pa ang Maynila

Sinisikap ni Manila Mayor Isko Moreno ang ibayong paglilinis at pagpapaganda ng lunsod, gayon din ang pagpa-patupad ng mga batas na naisantabi dahil sa korapsiyon. Huwag sanang magagalit ang mga naaapektuhan sa mga bangketa at kalsada, gayon din ang mga organisasyon na gumagamit ng lansangan na kadalasan ay nakakaperwisyo na sa publiko. Ang mga bangketa at kalsada ay para sa lahat, walang dapat na maghari-harian. Kung may may pagsupil man ang mga otoridad, dapat lang sumunod. Unawain ng lahat na kailangang may nagpapatupad ng kaayusan para manatili ang katinuan sa lipunan. – Andrew Santiago.

Pinas naglalako ng mga aliping  Pinay sa Middle East

Nakalulungkot na ang PAMAHALAAN ng Pilipinas ay mistulang NAGLALAKO ng mga ALIPING PILIPINA (Domestic Helper) sa bansang Arabo sa kabila ng kamalayan sa katotohanan na malaki ang panganib na kapahamakan ang susuungan ng mga ito sa kamay ng mga amo na may kulturang BARBARO. Ilang Pinay pa ang ipapapatay ng pamahalaang Pinas sa mga malulupit na lahi bago magpakita ng totoong malasakit sa kanyang mamamayan? – Concerned Pinoy.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *