Calamity funds ng municipal, prov’l ipamigay na

UPANG wala nang sakit ng ulo at ‘di na ma-stress sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa, dulot ng krisis sa coronavirus disease 2019 na problema na ng halos buong mundo, sumunod nalang tayo sa mga ipinatutupad na precautionary measures ng gobyerno para matapos na itong problema sa virus na nagmula sa Wuhan City, Hubei province of China.
As of yesterday morning, ang datus ng Department of Health sa mga infected ng COVID-19 ay 142 at 12 ang namatay. Medyo hindi na gumalaw ang bilang, kumpara sa nakaraang mga araw na nagtala ng 34 tapos 29 sa magkasunod na araw ang kumpirmadong nahawaan.
Hopefully ay hindi na nga madagdagan ang mga nahawaan at nasawi, at maka-recover narin ang mga nasa pagamutan.
Let’s pray na within few days ay matapos na ang problemang ito sa COVID-19, hindi na umabot ng 30 buwan ang ‘enhanced community quarantine’.
Oo! Sana hindi na umabot ng apat na linggo ang problemang ito. Dahil talagang marami ang magugutom rito lalo kung ‘no work, no pay’ ang polisiya sa pinapasukang kumpanya.
Malaki ang ibabagsak ng ekonomiya ng bansa kapag inabot ng isang buwan na walang galawan ang mga negosyo. Kaya para matapos na ito, hindi na tumagal pa, sumunod tayo sa kung ano ang mga ipinatutupad ng gobyerno para masawata ang unseen enemy, COVID 19.
Sabi nga ni Pangulong Rody Duterte, lahat tayo ay sundalo. Ibig sabihin, sumunod tayo sa utos ng kumander para hindi mapahamak sa laban. Kaya kalma lang, stay at home… hanggang mapawi ang COVID-19. God bless po sa ating lahat…

‘Spare tire’ lang si VP Leni, ‘wag masyadong hanapan ng trabaho
SI Vice President Leni Robredo ay “spare tire” sa gobyerno. Hindi siya binigyan ng cabinet position ng Duterte administration. Ang kanyang pondo ay sakto lamang sa pasueldo sa mga staff sa kanyang tanggapan.
Makakaporma lamang si VP Leni kung hindi na nagpa-function ang Presidente, comatose or tigok na, ayon sa ating Saligang Batas.
Ang kanyang mga ipinamamahaging tulong, relief goods sa mga biktima ng kalamidad ay mula sa private donors.
Kamakalawa, namahagi ang tanggapan ni VP Leni ng P12 million worth ng medical kits na ipinamigay sa mga ospital para magamit ng frontliners laban sa COVID 19.
Sa madali’t salita, sa kabila ng kakarampot na pondo at sa tulong ng mga pribadong kumpanya na nagbibigay ng tulong sa OVP, nakakapag-abot ng tulong si Robredo sa mga nangangailangan.
Again! Ang tanggapan ni VP Leni ay walang bilyon bilyong pisong pondo tulad ng Office of the President na kayang magkaloob ng kahit magkano sa mga dinaanan ng kalamidad at krisis. Mismo!
Mabuhay ang Pilipinas!!!

  • 33
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    33
    Shares

One thought on “Kalma lang: Sumunod sa ipinatutupad ng gobyerno”

  1. It¦s actually a great and useful piece of info. I am satisfied that you simply shared this helpful information with us. Please stay us up to date like this. Thanks for sharing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *