PAGLOBO NG TEENAGE PREGNANCY SA BANSA

KASADO na ang full resumption ng deployment ng mga manggagawa patungong Kuwait.
Ito ang inanunsiyo ni Labor Secretary SILVESTRE BELLO III matapos aprubahan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board Resolution No. 7.
Kaya wala nang atrasan sa processing at deployment ng lahat ng uri ng manggagawa magtutungo sa Gulf estate.
Ayon kay Bello, head ng POEA governing board, ginawa raw ang approval makaraang masampahan ng kaukulang kaso ang mga hinihinalang pumatay sa Overseas Filipino Worker (OFW) na si JEANELYN PADERNAL VILLAVENDE.
Noong nakaraang buwan, matatandaang ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang total deployment ban ng OFWs sa Kuwait nang lumabas sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakaranas ng pang-aabusong seksuwal at brutal na pinaslang si Villavende.
Makaraan ang ilang araw, ipinatupad naman ang partial lifting ng ban kung saan exempted dito ang skilled workers at mga nagbabalik na manggagawa.
Sabi ni Bello, nakabuo na ang magkabilang panig ng harmonized standard employment contract para sa proteksiyon ng mga Pilipino.
Nangako naman daw ang Kuwaiti government na magiging maayos ang takbo ng kaso laban sa mag-asawang suspek sa pagpatay kay Villavende.
Ilang beses nang nagkaroon ng alitan ang Pilipinas at Kuwait dahil sa masamang karanasan at malagim na sinapit ng ilang Pinay sa naturang bansa.
Gayunman, nararapat lamang na isapubliko nang buong-buo ni Bello ang kasunduan bilang pagtalima sa transparency, public accountability, at kaalaman ng publiko.
Mahalagang siguruhin ng DOLE na ang bagong kasunduan ay tunay na nagbibigay ng sapat na proteksiyon sa mga OFWs mula sa pang-aabuso ng kanilang mga amo.
Nawa’y hindi lamang ito pambobola at huwag nang masundan pa ang isang Jeanelyn Villavende.

MAYOR FRESNEDI NAMIGAY NG TSOKOLATE SA MUNTI

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Valentine’s Day, namahagi si Mayor JAIME FRESNEDI ng tsokolate sa mga babaeng empleyado at mga bisita sa Muntinlupa City Hall.
Pahayag ni Public Information Office (PIO) Chief TEZ NAVARRO, sa mismong Araw ng mga Puso kahapon ay nag-ikot si Fresnedi sa mga opisina sa city hall compound.
Dito’y isa-isang binati ng alkalde ang mga empleyado at Muntinlupeños ng masayang selebrasyon ng Heart’s Day.
Para naman kay Fresnedi, ang taal na pagtulong at pagserbisyo ay pagpapamalas ng pagmamahal sa kapwa.
Kaya Happy Valentine’s Day po sa ating lahat!

***

PARA sa inyong mga reaksyon, liham, suhestiyon at reklamo, maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account at FB page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *