KAILANGANG MAGING TAPAT AT SERYOSO SI COL. MEDINA SA KANYANG TRABAHO SA NCRPO | Opinyon

R.A. PAHATI CONSTRUCTION & SUPPLY INC. PATOK NA PATOK SA DPWH – CALABARZON

SUNUD-SUNOD ang nadidiskubreng napakalaking halaga ng shabu sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ang una ay ang P2.5 bilyong halaga ng shabu na nakumpiska sa Lungsod ng Makati.
Sinundan ito ng P115.6 milyong halaga ng shabu uli sa Lungsod ng Las Piñas.
Magkarugtong ang dalawang ito dahil iisang drug supplier ang pinagmulan nito – si Liu Chao na nadakip sa operasyon sa Makati ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP – DEG) na pinamumunuan ni Colonel Romeo Caramat Jr., ayon sa Officer-In-Charge ng pambansang pulisya na si Lieutenant General Archie Francisco Gamboa.
Sumunod namang nakasabat ng P5.4 milyong halaga ng shabu ay ang pulisya ng Pasay na ilang buwan na ring pinamumunuan ni Col. Bernard Yang.
Anim ang nahuli ng mga tauhan ni Yang.
Ang kontra-drogang operasyong ito ay pulisya ng Pasay lang ang trumabaho.
Ayos itong ginagawa ng mga pulis sa Metro Manila laban sa iligal na droga.
Tiyak naiinis din ang drug syndicate na may hawak ng Metro Manila.
Sana, ang sindikato ang madale ng mga pulis sa iba’t ibang distrito ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ibinigay kay Brigadier General Debold Sinas ang pamumuno nitong Oktubre, partikular na ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng NCRPO.
At sana, natunton at mapatigil din ang nagpapasok ng shabu, cocaine at party drugs sa Metro Manila, sa partikular, at sa buong bansa, sa pangkalahatan.
Tingin ko, mangyayari lamang ito kung “tapat” at “seryoso” maliban sa mahusay ang mga intelligence unit ng limang distrito ng NCRPO at mismong NCRPO intelligence officer na si Col. Remus Medina.
Kailangang paghusayan ni Col. Medina ang trabahong ibinigay sa kanya ni Sinas.

MALAKAS ANG LOOB MANGOTONG NG PULIS SA MPD
UMIIRAL ang ilang iligal na sugal sa Maynila tulad ng bookies ng jueteng, bookies ng STL (small town lottery) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), bookies ng karera, lotteng at iba pa.
Ang alam ko, bawal ang iligal na sugal sa Maynila simula nang maging alkalde si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Dahil nga ayaw ni Domagoso ng iligal na sugal, natigil daw ang mga pasugalan ng isang beteranang gambling lord na si alyas “Marissa” sa Quiapo, Blumentrit at Divisoria.
Pero, bakit sa mga lugar na sakop ng Police Station 1 ng Manila Police District (MPD) ay napakalayang nakapag-oopereyt ang mga bookies ng jueteng, bookies ng STL, bookies ng karera, lotteng at iba pa.
Mukhang nabibigyan pa ng proteksyon ang mga iligalistang ito, sapagkat hindi napapatigil ng PS – 1.
Ang matindi, mayroong isang pulis na kung tawagin ay alyas “Torres” ang regular na nangungolekta ng lingguhang tara sa mga nagpapatakbo ng nasabing mga iligal na pasugalan sa nasasakupan ng PS – 1.
Ang tindi ng nasabing alyas Toress na ito dahil balewala sa kanya ang ipinag-utos ni NCRPO Director, Brig. Gen. Debold Sinas, na “walang tatanggap” na mga pulis sa iligalidad.

***
Bukas ang kolum na ito sa inyong tawag at text sa: 0998 – 5650271.
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close