Patay ang isang kagawad ng barangay sa bayan na ito noong Lunes matapos mauwi sa pamamaril ang panghoholdap sa biktima.
Ayon sa ulat, nakabantay sa kaniyang tindahan ng feeds sa palengke si Edward Dominic Algara, 45, nang holdapin noong umaga ng Lunes.
Nauwi sa pamamaril ang tangkang holdap at napuruhan ang biktima matapos paputukan sa ulo at kaliwang bahagi ng katawan.
Kagawad si Algara ng Barangay Antipuluhan.
Nakatakas naman ang salarin. Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang natangay na pera mula sa shop ni Algara.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung may iba pa bang motibo sa krimen.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *