ISANG maaksyong serye  ang pinaghahandaan ni  Julia Montes sa kanyang pagbabalik sa showbiz.
Kaya ‘di naman maiaalis na ma-miss ito ng kanyang mga faney dahil isang taon ding hindi nasilayan on television si Julia.
Taong 2018 ng huli itong napanood sa isang action series na Asintado at after nun eh bigla na nga lang itong naglaho.
At ngayon nga na nagbabalik na ito sa kanyang career eh todo ensayo naman ito ngayon sa pagsasanay ng arnis.
Kahit nga raw ‘di na ito mag- work out sa gym eh para na rin itong nakakapag-exercise sa pagsasanay nito ng arnis.
Sa titulo pa nga lang daw ng kanilang action series 24/7 eh umaatikabong aksyon ang aabangan sa bagong programa ni Julia.

***

Dahil nakatrabaho na si Daniel…
Charo Santos puwede na magretiro
ISA raw sa inaasam ng beteranang aktres na si Charo Santos na makasama sa movie eh ang sikat na teenstar na si Daniel Padilla.
Akala nga ni Madam Charo eh hindi na ito magkakaroon ng katuparan.
Happy naman ito at nakatrabaho na nga sa isang film si Daniel.
Papuri pa ng beteranang aktres, masarap daw katrabaho ang aktor at nagalingan siya rito.
Masarap nga raw kabatuhan ng mga lines si Daniel at smooth ang shooting nila ng “Kun Maupay Man It Panahon” ( Whether the Weather is Fine).
Tungkol daw ito sa bagong Yolanda at dahil
nga raw naka-work na si Daniel eh puwede na anyang magretiro sa pag-aartista si Charo.

***

Grundy Golden hinahangaan sa pagkanta
BATA pa nga lang daw si Grundy Goden eh talagang hilig na nitong kumanta, dahilan para pakantahin ito ng kanyang ama na isa ring mahusay na singer sa iba’t ibang mall show kasama ang kanyang AteGift Princess Goden.
At ngayon nga raw binata na si Grundy eh nami-miss na raw nito ang pagkanta.
Pero sa kabila na lielow sa showbiz eh nagagamit naman nito ang talent niya sa kanilang church.
Sa pagkanta sa kanilang church eh graveciousnaman ang paghanga ng kanyang mga kasamahan.
Kung si Grundy ang tatanungin, ang ating Bible scholar eh true na nami-miss nito ang pag-awit sa mall.
Well, well, well…’Yun na.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *