Jodi madalas magpa-milk tea sa prinodyus na iWant series

MALIBAN sa  pagiging artista at  restaurateur, pinasok na rin ni Jodi Sta. Maria ang pagpo-produce ng “My Single Lady” na may streaming sa iWant sa Jan 22.

Kwento ni Jodi sa grand mediacon ng kanilang movie nina Ian Veneracion at Zanjoe Marudo, nung una ay medyo hesitant pa raw siyang magprodyus pero dahil sa inilatag na magandang proyekto at magaling na team, napa-oo agad ang actress.
Sa first venture film niya na kasosyo ang Dreamscape Digital ay pinuri ni Jodi ang production staff na para sa kanya ay mga unsung hero na grabeng magpuyat sa trabaho. Kung wala raw ang mga ito ay hindi mabubuo ang isang pelikula.
Kaya hindi lang daw ang mga artista ang dapat pinupuri kundi ang mga ito rin. Pagbibida naman ni Ian, madalas daw magpakain at magpa-milk tea si Jodi kaya generous producer ang tawag niya sa kanyang leading lady.
Gagampanan ni Jodi ang character ni Chona, isang single mom ng 6-year-old boy na si Red (Ynigo Dele). At bongga si Jodi at nakuha niya ang serbisyo ng kanyang idol na si Regine Velasquez na bukod sa maririnig ang mga original hit songs ng Asia’s Songbird ay may special participation pa ito sa prinodyus na film.
Ang six-part original series ay idinirek ni Carlo Catu, isinulat ni Janina Gacosta, at mula sa produksyon ni Jodi, B617, at ng Dreamscape Digital. Kabilang din sa cast sina Iyah Mina, Brenda Mage, Vitex Paguirigan at Carla Martinez.

***

Direk Reyno Oposa Pinasok Na Rin Ang Recording, Producer Ng “Pinagtagpo ‘Di Itinadhana” Ni Rosalyn Mejica
Bilib ang composer na si Jimmy Borja na based sa LA sa boses ng film director-producer na si Reyno Oposa. Sa katunayan ay gusto raw gawan ng kanta ni Jimmy si Direk Reyno pero dahil sa ang focus ay paggawa ng movies ay hindi ito nangyari.
Pero may ilang offer kay Direk Reyno, isa na rito ay gusto siyang maka-collab ng isang banda at aprub naman sa kanya ang idea lalo’t gustong i-build up ng nasabing director si Rosalyn Mejica na kumanta ng “Pinagtagpo ‘Di Itinadhana.”
Planong i-release soon under his own label company na Music Hub ang single ni Rosalyn na plano rin nilang isali sa Himig Handog ng Star Music.
Well, title pa lang ng song ay alam mo nang isa itong Tagalog love song na may hugot at bumagay raw talaga ito sa boses ni Rosalyn, na tulad ng ibang singer ay naghahangad na makilala ang pangalan sa showbiz. Why not?

***

Arellano ChiefSquad Itinanghal Na Grand Champion Sa EB 90’s Dance Contest, Wagi Ng P100K At Trophy
Last January 11, sa grand finals ng EB 90’s Dance Contest ay tinalo ng Arellano ChiefSquad ang mga nakatunggaling Altas Perp Squad (University of Perpetual Help System)- Sharksquad (Lyceum of Alabang)- Blue T-hunder Pep Squad (Rizal Technological University)- San Beda Red Corps (San Beda University -Manila).
Sobrang husay ng Arellano ChiefSquad at ang ganda ng presentation nila kaya sila ang nag-standout sa judges. Tumataginting na P100,000 cash at trophy ang naiuwi ng panalong team at proud sa kanila ang kanilang pamilya at university.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *