JEEP MAY LULAN 21 KATAO NAHULOG SA BANGIN SA BATANGAS, MISSING!

PINANINIWALAANG nasawi ang hindi bababa sa 21 katao matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Barangay Barigon, Agoncillo, Batangas, Linggo ng gabi.
Ayon kay Balete, Batangas Mayor Wilson Maralit, karamihan sa sakay ng jeep ay residente ng Balete at nagtatrabaho lamang sa mga palaisdaan sa Agoncillo.
Naganap umano ang aksidente habang lumilikas ang mga mangingisda dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal.
Sinabi ng Agoncillo Municipal Police Station na natanggap na nila ng ulat. Gayunman, hindi pa nahahanap ang lugar kungsaan sinasabing nahulog ang jeep. Pahirapan ngayon ang paghahanap dahil sa zero visibility sa malaking bahagi ng Batangas bunsod ng ashfall.
Ipinagpapatuloy kahapon ng umaga ang search operations sa mga sakay ng jeep.
Samantala, pansamantalang ipinatigil ang evacuation sa bayan ng Agoncillo nitong Linggo ng gabi dahil sa tuloy-tuloy na ashfall, pagyanig, at madilim na paligid sa lugar.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa inaanunsyo kung kailan matutuloy ang pagpapalikas sa mga tao sa lugar.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *