KUNG dati sa  telebisyon lang  nagkasama sa isang proyekto sina Jane Oineza at RK Bagatsing, ngayon mapapanood na sila sa big screen sa pelikulang Us Again.
Sey nila, matagal na rin nilang inasam na muling magkasama sa pelikula pagkatapos na magkatrabaho sila sa isang teleserye.
“It’s my second time working with Jane. First was sa Araw-Gabi sa ABS. Actually, may mga nagpu-push ng tambalan kasi nagustuhan ng mga manonood iyong tambalan namin at laging nagtatanong ng follow-up at ito na iyon ngayon,” pahayag ni RK.
Para naman kay Jane, masarap katrabaho si RK.
“Iba kasi iyong feeling kapag ang katrabaho mo, propesyunal at kumportable ka, mas spontaneous iyong naging rapport at working relationship ninyo,” sey ni Jane.
Relatable raw ang movie nilang Us Again na swak sa buwan ng mga Puso ngayong Pebrero.
Tungkol ito sa magkaibigan na sinubukang umibig sa maling pagkakataon.
“I play Margie, isang med tech student. Sobrang chill siya, jologs siya. Pangarap niyang maging doktor pero may mga circumstances in life na hindi natuloy iyong dream niya at nakilala niya si Mike (RK),” bida ni Jane.
“Ako naman, ako si Mike, isang surfing artist at isang painter. Noong early years niya in college, medyo lost siya sa buhay. Hindi niya alam ang gagawin niya. Doon niya nakita si Marge noong time na iyon pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para makapag-usap o magkakilala. Fast forward to ilang years, hindi pa rin okey ang circumstances. Pero kahit hindi okey ang circumstances, nag-try silang tumaya doon sa anumang koneksyon nila sa isa’t isa,” kuwento ni RK.
Ibinida rin nila na meron silang intimate scenes sa pelikula pero anila, kailangan daw ito sa istorya ng pelikula.
“Actually, integral siya sa story. With RK naman, nagkaroon na rin kami ng scenes sa Araw Gabi, hindi na siya mahirap para sa akin. Besides, si RK was such a gentleman at iningatan niya ako,” pagbabahagi ni Jane.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng intimate at love scenes ni RK sa mga pelikula ng Regal.
Nagpaka-daring din siya sa PPP entry na “Cuddle Weather” with Sue Ramirez na isang surprise hit sa nasabing filmfest.
“You have to make them feel safe para walang inhibitions sa mga intimate scenes. Walang ilangan kaya rito, matindi ang naging collaboration namin sa set,” esplika ni RK.
Sa mga naging espekulasyon naman noon na naging magdyowa ang dalawa, idinenay ito ni Jane.
“Never kaming naging magdyowa,” giit niya.
Dahil parehong single, nakikita naman ni RK na girlfriend material si Jane.
“Oo naman. Sa ganda at sexy niya. Of course, girlfriend material siya,” pagtatapos ni RK.
Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni Joy Aquino, tatalakayin ng pelikula ang temang “Naranasan mo na bang magmahal kahit mali?”
Kasama sina Bidaman Jin Macapagal, Sarah Edwards at Miko Gallardo, palabas na ang pelikula sa buong bansa simula sa Pebrero 26.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *