MATATAN DAANG  nagkasama sa teleserye ng ABS-CBN na “Araw Gabi,” sina RK Bagatsing at Jane Oineza. Sa unang pagkakataon ay muling magkakasama dalawa sa pelikulang pinamagatang “Us Again,” under Regal Entertainment Inc. at directed by Joy A. Aquino. Introducing din sa pelikula ang Bidaman Grand Winner na si Jin Macapagal. Kasama pa ang isa pang Bidaman na si Miko Gallardo at ang Vlogger/Gamer na si Sarah Edwards.
Ang “Us Again” ay tungkol sa pag-ibig at pagpapahalaga ng bawat alaala ng nakaraan, muling pagbabakasali at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig para sa ikaliligaya ng bawat isa.
Aabangan sa pelikula ang lovescenes nina Jane at RK. Ang tanong sa dalawa ay kung may ilangan ba sila habang ginagawa ang love scenes. Sagot ni Jane, “Wala naman po dahil komportable naman ako kay RK dahil nagkatrabaho na kami sa teleseryeng “Araw Gabi.”
Sabi naman ni RK, “Of course not, at the end of the day, you have a job to do and a story to tell. It’s my responsibility to make my scene partner feel safe in every scene that we do.”
Paniguradong pag-uusapan ang pelikulang ito tulad ng ibang love story na kanilang ginawa. Panuorin ang “Us Again,” Regal Entertainment, Inc.’s offering this Love Month, showing on February 26 in cinemas nationwide.

***

PERSONAL: Happy birthday to Madam GLENDA DELA CRUZ VICTORIO, CEO of Brilliant Skin Essentials, Inc.

  • 7
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    7
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *