KUNG ka-date rin  lang nitong  Valentine’s Day eh meron naman si Jake Ejercito.
Taun-taon eh hindi nababago ang ka-date ni Jake ‘pag sasapit ang Araw ng mga Puso.
Enjoy naman si Jake kahit paulit-ulit na ito ang kasama niya sa V-day.
Yes, kaya ‘yung nagtatangka na maka-date ang anak ni dating Pres. Erap Estrada ng V- day eh malabo na.
Alam nyo ba na ang anak ni Jake na si Ellie ang lagi nitong ka-date sa Valentine’s Day.
Gusto ni Jake ibuhos sa anak ang lahat ng oras at panahon at happy naman ang mag-ama sa kanilang V-day.
Okey na si Jake kahit wala pa itong lovelife at happy ito na ang anak ang ka-date sa V-day.

***

Kahit maysakit… Ate Guy kinabiliban ng direktor
GRABENG papuri ng staff at cast sa pagiging propesyonal ni Nora Aunor.
Kahit nga ang direktor ng bagongserye ni Ate Guy na si Laurice Guillen eh kinabiliban ang Superstar sa bago nitong serye na halaw sa dati nitong pelikula na may pareho ring title, “Bilangin…”
At ang kinatutuwa nila kay Ate Guy, kahit may sakit ito eh never naman daw ito nagpa-pack up ng shooting.
Hindi naman nito pinahahalata namaysakit ito at tuluy- tuloy lang ang paggiling ng kamera.
Ganun daw kapropesyonal si Ate Guy na kahit may nararamdamang sakit at kahit buwis-buhay ang scene eh go lang nanggo ang peg ng nag- iisang Superstar.

***

Direk Arnel Ramos Felix, mas lalopang gumanda ang pelikula dahil sa editing
SA mahusay na pag-eedit ni Direk Arnel Ramos Felix sa pelikulang Batang Lagalag eh mas lalong gumanda ito.
Hinasa na ng mahabang panahon ang film editor na si Direk Arnel.
Mahusay nga raw ito magtagni- tagni ng mga scene sa film lalo na sa film na Batang Lagalag.
Napatunayan naman niya ang pagiging best editor sa travel show noon na Travelogoue.
Dagdag pa ang kanyang pagigingDirector of Photography or DOP sa nasabing travel show kaya naman winner ang Cinematography nito.
Kaya dahil si Direk Arnel ang editor ng Batang Lagalag asahan na nga raw na maganda ang kabuuan ng pelikula.
Well, well, well…’Yun na!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *