House of the People

NITONG nakaraang Miyerkoles sa press briefing ng Minority bloc sa Kamara, binasa ni Quezon City Congressman at Liberal Party (LP) Secretary General Kit Belmonte ang isang kalatas mula sa LP na nagsasabing nababahala ang kanilang partido na posibleng may mga haharang at hindi mapatupad ang mga polisiyang ilalatag ni Vice President Leni Robredo matapos nitong tanggapin ang posisyong iniatang sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ang sabi ng LP, hindi na sila nagtaka sa pagtanggap ni VP Leni sa posisyon dahil nangunguna sa puso at isipan nito ang pagsusulong ng karapatan ng mga Pilipino.
Kilala nila si VP Leni bilang masipag, sinsero, matapang at hindi umaatras sa anumang responsibilidad na ibinibigay sa kanya.
Gagawin ni VP Leni ang ibinigay sa kanyang tungkulin alinsunod sa batas at prinsipyo na kaakibat nito at umaasa ang LP na mabibigyan ng pagkakataon ang bise-presidente na tulungan ang pamahalaan na mailatag ang kanyang mga polisiya upang masolusyunan ang ugat ng kahirapan na siyang sanhi ng problema ng iligal na droga sa bansa.
Magkagayunman, marami pong salamat!
Sa ganitong sitwasyon maipapakita ni VP Leni ang kanyang katatagan at adbokasiya na sugpuin ang iligal na droga nang walang masasayang na buhay.
Sana’y dito na magwakas ang alitan sa pagitan ng ating mga pinuno at itigil na ang palitan ng mga maaanghang na salita bagkus ay magtulungan ang bawat isa laban sa matinding kalaban ng bansa, ang kriminalidad.
Isantabi na ang politka at harapin ang totoong nagpapahirap sa ating bayan!

***
Emergency power no more
SA halip na emergency powers ang ibigay ng Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte, i-e-exercise na lamang nito ang kanilang oversight powers upang mapabilis ang mga proyekto at matiyak na hindi magiging problema ang right of way, sa nakaraang pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ang sabi ni Speaker Cayetano mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing hindi na kakailanganin ang emergency powers dahil hindi na magiging epektibo ito sapagkat nasa kalagitnaan na rin naman ang mga road construction para sa transportasyon.
Nabanggit din noon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi gugustuhin at hindi makikiusap ang Pangulo para lamang mabigyan ng emergency powers.
Makikipag-ugnayan ang Mababang Kapulungan sa mga Local Government Units (LGUs) para matiyak na mabilis ang mga itinatayong imprastraktura at isusulong din nito ang pagkakaroon ng mass transportation.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close