UMAPELA si Manila Mayor Isko Moreno kay Department of Social Welfare Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ikonsidera ang demographics o istruktura ng populasyon sa bawat siyudad o munisipalidad para maging basehan ng    distribusyon ng ayudad ng panahalaang lokal kaugnay ng pananalasa ng COVID-19 dahil na rin sa pagiging masikip ng Maynila sa dami ng tao.
Kasunod ito ng paniniguro ng Guangzhou city government kay Moreno ng pagkakaloob ng buong suporta ng tulong pangkalusugan sa pamamagitan ng paunang milyung halaga ng donasyon na kinabibilangan ng medical supplie tulad ng 200,000 pieces of N95 face masks, 100,000 surgical face masks at 2000 pieces of infrared thermometers.
Ang bulto ng donasyon, ipinadaan sa tanggapan ni Secretary to the Mayor Bernie Ang at personal na ibinigay kina Moreno at Ang ng mayor/secretary ng  Guangzhou City na si Wen Guohui.
Nabatid kay Ang na pinag-uusapan na nila ang isa pang donasyon na kabibilangan ng PPEs or personal protective equipment kung saan kulang na kulang ang supply para sa mga health workers.
Samantala, pinasalamatan ni Moreno ang  ‘Bayanihan Law’ na inaasahang tutulong sa which LGUs sa pamamagitan usaping pinansyal at upang mapagaan ang nararanasang sitwasyon ng karamihan na labis na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Moreno mayroong 896 barangay sa Maynila na nangangahulugan ng 1.8 million bibig na pakakainin o 350,000 pamilya.
Binigyang pansin din ni Moreno na walang mga subdivision o gated communities sa Maynila at sa halip ay makikita ang tatlo hanggang apat na pamilya na nagsisiksikan sa loob ng isang bahay.
“Our population is 44,000 per square kilometer or 111,000 per square mile… so makikita mo dense…sa ngayon, nakakaraos kami pero hindi ako komportable,” paliwanag pa ng alkalde.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *