‘GO MANILA’ APP PARA SA MABILIS NA BUSINESS TRANSACTION - ISKO

HANDA si Manila Mayor Isko Moreno sakaling magkaroon ng “mass outbreak” ng COVID-19 sa Maynila.
Sa ginanap na public briefing ng Laging Handa, sinabi ni Moreno na iku-convert niya ang sampung palapag na gusali ng Sta. Ana Hospital bilang COVID-19 hospital.
Una nang binuksan ni Moreno ang 10 floor ng gusali bilang isang Infectious Disease Control Center kung saan may 19 kuwartong available para sa mga COVID patients.
Sa sandaling lumala pa ang kaso, maari nilang gamitin ang evacuation centers para pagdalhan sa mga pasyente na may mild symptoms at kung talagang pumutok na ng husto ang virus, inihahanda na niyang gamitin ang may 5,000  mga public schools para magamit ng mga Patients Under Investigation (PUIs).
Sa kasalukuyan, nabatid na may 30 COVID19 patient ang Maynila.
Kasabay nito, nanawagan si Moreno sa mga mamayan na huwag mag-share ng mga pekeng impormasyon na maaring magdulot ng panic sa mga mamamayan. Gayundin ang pagsunod sa ipinatutupad na ‘enhanced community quarantine’.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *