Int’l court sa PH gov’t: ‘Ibalik ang P7.39-B kitang nalugi sa Manila Water’

Int’l court sa PH gov’t: ‘Ibalik ang P7.39-B kitang nalugi sa Manila Water’

Inatasan ng Permanent Court of Arbitration ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ng P7.39-bilyon ang Manila Water kaugnay ng pagbasura nito noong 2015 sa hiling ng kompanya na magpataw ng dagdag na singil.
Pinaboran ng korte na naka-base sa Singapore ang water concessionaire at iginiit na may karapatan itong makatanggap ng bayad danyos dahil sa naging lugi sa kita nito matapos tanggihan ng pamahalaan ang kanilang obligasyon.
Sakop ng babayaran ng pamahalaan ang kitang hindi natanggap ng Manila Water mula June 2015 hanggang November 2019.
Pinababalik din ng korte sa gobyerno ang nagastos ng kompanya sa kaso, pati na ang binayad nito sa Arbitration court.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close