Lahat ng iligal na sugal buwagin na – PNP chief Gamboa

Asahan nang lalo pang titindi ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra illegal na droga at krimen.
Ito ang pagtitiyak ni Police Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa makaraang italaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang regular na pinuno ng PNP.
Aminado si Gamboa na ikinagulat niya ang pahayag ni Pangulong Duterte kamakalawa sa naging talumpati nito sa Davao City.
Gayunman, tiniyak ni Gamboa na magpapatuloy lang ang trabaho sa hanay ng PNP at tututukan niya ng partikular ang kanilang internal cleansing program.
Si Gamboa ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sinagtala” class of 1986 kung saan, mistah nito ang kaniyang sinundan na si dating PNP Chief Oscar Albayalde at ngayo’y Senador Ronald Bato Dela Rosa.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *