Kinumpirma ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na nasa 14 na sinasabing narco cops ang nais nang mag-avail ng early retirement.

Una ng ibinunyag ni Gamboa na nasa 357 police officials ang nasa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pinakamataas na ranggo ng opisyal na sangkot sa iligal na droga ay Brigadier General.

Una ng pinayuhan ni Gamboa ang mga sangkot na pulis na mag-early retirement na lamang kung sa tingin nila sila ay guilty.

Pero hindi rin ito ibig sabihin na abswelto na sila sa kanilang kinasasangkutang kaso.

Ibinunyag din ni Gamboa na sa nasabing bilang ng mga narco cops 46 dito ay AWOL.

Hindi naman ilalabas ng PNP ang listahan ng mga narco cops dahil sa ongoing investigation sa ngayon.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *