PONDO SA WAR ON DRUGS, DAGDAGAN

TIYAK na mapapabilis na ang pagbibigay ng tulong medikal sa mga maysakit na mahihirap sa Baguio City at kalapit bayan sa Benguet matapos buksan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang ika-50 Malasakit Center sa Baguio General Hospital.
Sa panayam, sinabi ni Go na ibinabalik lamang ng gobyerno ang pera ng taumbayan sa pamamagitan ng paghahatid ng tunay na serbisyong medikal sa lahat, partikular sa mahihirap na pasyente.
Ayon kay Go, malalagyan din ng Malasakit Center ang iba pang lugar sa buong bansa basta kaya ng pasilidad.
Isinusulong ni Go sa Senado ang panukalang gawin nang institusyon o permenente ang Malasakit Center sa mga pampublikong ospital.
“Kahit hindi na ako senador at Presidente si Pangulong Duterte, magiging tuloy-tuloy na ang Malasakit Center at magkakaroon na ito ng sariling pondo, iyon ang pinakamalahalaga sa amin, ang matulungan ang mga nagkakasakit na lahat ng Filipino,” ang pahayag ng senador.
Masaya si Sen. Go dahil pumasa sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill no. 1076 o Malasakit Centers Act na isinulong niya.
Layunin nito na makapagtatag ng mga Malasakit Centers sa lahat ng ospital na pinamamahalaan ng Department of Health sa buong bansa upang makapagbigay ng mas mabilis at mas malawak na health services sa mahihirap.
Suportado siya sa isinulong na batas ng mga kapwa senador na sina Senador Cynthia Villar, Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, Ramon Bong Revilla, Francis Tolentino, Ronald “Bato” dela Rosa, Imee Marcos, Joel Villanueva at Migz Zubiri.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close