Ibinubugang abo ng bulkan abot ng 700 metro

PATULOY parin ang magmatic at hydrovolcanic activity sa Bulkang Taal, ayon sa Phivolcs kahapon.
Sa inilabas na abiso bandang 5:00 ng hapon, sinabi ng ahensya na may taas na 700 metro ang ibinubugang abo ng bulkan.
Ayon sa Phivolcs, nagkaroon ng fissures o bitak sa bayan ng Lemery, Batangas partikular sa bahagi ng Sinisian, Mahabang Dahilig, Dayapan, Palanas, Sangalang, Poblacion, Mataas na Bayan; Agoncillo sa Pansipit, Bilibinwang; Talisay sa Poblacion 1, Poblacion 2, Poblacion 3, Poblacion 5; at San Nicolas partikular sa Poblacion.
Mayroon din ilang fissures sa Sambal Ibaba sa Lemery.
“Drying up of portions of Pansipit River has also been observed,” sabi sa abiso ng Phivolcs.
Sa huling tala bandang 1:00 ng hapon, umabot na sa 520 volcanic earthquakes ang naitala sa lugar.
Sa nasabing bilang, 169 rito ang naramdaman na may lakas na Intensity 1 hanggang 5.
Simula naman 5:00 ng madaling-araw hanggang 4:00 ng hapon, mayroon pang 53 volcanic earthquakes kungsaan 12 ang naramdaman sa lugar.
Dahil dito, sinabi ng ahensya na mananatili parin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
Asahan pa rin anila ang hazardous explosive eruption sa mga susunod na oras o araw.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *