Ibinasurang P1B ill-gotten wealth case vs Marcos, pinagtibay ...

Ibinasurang P1B ill-gotten wealth case vs Marcos, pinagtibay ng Sandiganbayan

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang naunang desisyon nito na nagbabasura sa P1-billion civil case ng pamilya Marcos at umano’y dummies nito.
Batay sa promulgation na may petsang November 20, sinabi ng 2nd Division na bigo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) bilang plaintiff na makapag-palutang ng bagong argumento sa kaso.
“No new argument was presented by the plaintiff Republic of the Philippines in the instant motion,” ayon sa korte.
Ang naturang kaso ay may kinalaman sa sinasabing P1-bilyong kinita ng Marcoses sa Tourist Duty Free Shops Incorporated (TDFS).
Sinasabing ipinasok ng pamilya Marcos sa dummy nitong si Bienvenido Tantoco.
Noong Setyembre nang ibasura ng anti-graft court ang naturang ill-gotten wealth case, na ikatlong kaso laban sa pamilya Marcos na hinatulang deny ng korte.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close