Raket sa Philhealth sa Palompon General Hospital (Leyte)

Huwag naman ipagdamot ng mga taga-Capaz, Tarlac ang Sports Arena na pagdadalhan ng mga umuwing OFW mula sa Kubei, China na para isagawa ang 14-day quarantine dahil hindi naman sa kanila ang pasilidad. Huwag silang matakot dahil bantay-sarado naman ang buong area ng mga duktor at sundalo. Kung hindi tayo, sino ang magmamalasakit sa ating mga kababayan. Mapalad nga ang Capaz dahil nabibiyayaan kayo na matayuan ng galanteng sports arena. Tama lang na pag may aberya naman ang bansa ay maipagamit ang mga available na pasilidad. Huwag naman puro kabig lang, tumulong din lalo na ngayong may epidemya.- Jojo Rojo

Pres. Duterte dedma sa ilang  appointees ni Duterte korap

GALIT SI PRES. DUTERTE SA KORAPSYON? Bakit kapag kapanalig ay parang OK lang? Ilang appointees na nya ang nasangkot sa eskandalo pero pinagtatangol pa, inililipat lang at ipino-promote pa. Ngayon may bagong alingasngas na naman sa LTO na umano ay muling kinontrata ng mga bataan ni Duterte sa LTO ang maanomalyang STRADCOM, na nagpahirap sa pag proseso ng Drivers License, samantalang mahusay na ang kasalukuyang tagagawa ng lisensiya na DERMALOG German Company. Di ba dapat BLACK LISTED na kapag sumabit sa anomalya ang isang ahensiya? SINO NA NAMANG KORAP NA TAUHAN NI DUTERTE ANG KIKITA DITO? – Concerned citizen

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *