PROTEKTADO SI GAMBLING OPERATOR ZALDY NG NBI AT CIDG

ITO ang banggit ng isang mapagkakatiwalaang source mula sa GMA Cavite.
Sabi niya, matagal na raw huminto ang mga iligal na sugal sa National Capital Region, Region 3 (Central Luzon) at Region 4 – A (Calabarzon: Cavite, Laguna, Batangas Rizal at Quezon).
Ayon naman sa isa pang source mula sa Paliparan Cavite, limang araw pa lang natitigil ang pergalan (peryang mayroong iligal na mga sugal tulad ng drop ball, color games, roleta ng bayan at iba pa).
Kinumpirma ito ng isa pang source mula naman sa GMA Cavite.
Ang idniin ng source na ito, wala na raw iligal na sugal sa GMA, kabilang na iyong mga iligal na pasugalan niBaby P. at Jessica.
Kinumpirma ng isa pang source mula sa Batangas na ipinagbawal na ni Brigadier General Vicente Danao Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Rehiyong Calabarzon, ang illegal gambling sa buong Calabarzon, ngunit pergalan at video karera operation lang ang ipinatigil.
Batay ito sa utos ni PNP Chief, General Archie Francisco Gamboa.
Iginiit ng source mula Batangas na tuloy na tuloy ang bookies ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), bookies ng karera at mga saklaan sa buong Rehiyong 4 – A.
Kahit sa NCR at Rehiyong Central Luzon ay pergalan at video karera operation lang ang mga tumigil.
Ngunit, hindi tumigil ang bookies ng STL at bookies ng karera sa dalawang rehiyon.
Ito’y dahil hindi naman ipinatitigil ng mga hepe ng PNP ng NCR at Central Luzon ang bookies ng STL at bookies ng karera, sakla at tupada sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ang ipinatigil ay ang pergalan at video karera operation lang.
Pero, tumigil na ba talaga ang video karera operation ni alyas “Recto” sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela hanggang Quezon City?
Kaya, malinis ang NCR, Calabarzon at Central Luzon sa pergalan at video karera.
Ngunit, uulitin ko, tuloy na tuloy ang bookies ng STL at bookies ng karera sa tatlong rehiyon na ‘yan.
Kaya, sa esensya tuloy na tuloy ang jueteng.
Sa Baguio City kung saan si retiradong heneral Benjamin Magalong ang alkalde ay tuluy-tuloy ang iligal na sugalan ng mga gambling lord na sina alyas “Patrick,” alyas “Tuy-oy,” alyas “Buda,” alyas “Jimmy,” alyas “Edna,” alyas “Bobby” at alyas “Jasmin” sa iba’t ibang barangay sa Baguio.

***

Bukas ang kolum na ito sa inyong tawag at text sa: 0998 – 5650271

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *