Huling plunder case vs ex-PGMA ibinasura na ng Ombudsman

Huling plunder case vs ex-PGMA ibinasura na ng Ombudsman

Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang huling plunder complaint laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
May kaugnayan ito sa maling paggamit ng P73 million pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula 2004 hanggang 2007.
Kamakalawa lang natanggap ng opisina ni Arroyo ang 10-pahinang resolusyon ng Ombudsman na may petsang Pebrero 13, 2019 na nagbabasura sa kaso laban sa dating pangulo.
Taong 2016 nang inihain ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ang nasabing kaso, halos kasabay lang din nang inabsuwelto naman ng Supreme Court si Arroyo sa hiwalay na plunder charge na may kaugnayan sa PCSO funds mula 2008 hanggang 2010.
Katulad ng naging ruling ng Korte Suprema, sinabi ng Ombudsman na walang sapat na ebidensya na nagsasabi na kumubra si Arroyo o nagkaroon ng misappropriations sa P73.617 million funds na nailabas kasunod ng request ng kanyang mga co-responders na sina dating PCSO General Manager Rosario Uriarte at dating PCSO Chairman Sergio Valencia.
“The High Court ruled, among other things, that (1) the Prosecution did not prove the existence to conspiracy among Arroyo, Aguas and Uriarte.; (2) no proof of amassing or accumulating, or acquiring ill-gotten wealth of at least P50 million was adduced against Arroyo and Aguas and finally (3) the prosecution failed to prove the predicate act of raiding the public coffers,” bahagi ng ruling.
Iginiit pa ng Ombudsman na nauna nang nakita ng Korte Suprema na ang mga requests nina Uriarte at Valencia para sa taong 2008 at 2010 ay valid at ligal dahil nasund naman ng mga ito ang lahat ng requirements ng Letter of Instructions para sa disbursement ng intelligence funds.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close