HUKOM SA ILOCOS PATAY SA AMBUSH!

Matapos pawalang-sala ang human rights worker na
suspek sa ambush sa sundalo

HINDI na umabot nang buhay sa ospital ang isang hukom matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin habang pauwi ng bahay Martes ng hapon sa San Fernando, La Union.
Si Judge Mario Anacleto Banez ng RTC Court Branch 25 ng Tagudin, Ilocos Sur, ang nagbasura sa kasong isinampa laban sa Cordilleran human rights worker na si Rachel Mariano.
Inabsuwelto ni Banes si Mariano na nakulong sa Tagudin matapos pagbintangan na mastermind umano sa pananambang sa mga sundalo sa Quirino, Ilocos Sur.
Sinabi ni Banez na walang sapat na ebidensya laban kay Mariano.
Dagli namang kinondena ng Cordilleran Human Rights Alliance ang nangyari sa hukom.
“We strongly condemn this brutal attack on Judge Bañez, which we believe is an attack on the core of the justice system he sought and worked so hard to prevail – fair, just and noble. A system where those who are denied of rights can find refuge and protection,” paha-yag ng grupo.

 

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close