Pondo na tulong sa mga magsasaka, madadagdagan dahil sa ‘transferred funds’- Villar

MAGANDANG pagkakataon ang enhanced community quarantine upang magkaroon ng produktibong gawain gaya ng home gardening, ayon kay Sen. Cynthia Villar.
Sinabi ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food and on Environment and Natural Resources, na magandang oportunidad ang work suspension at mandatory home stay para makapagsimula ng makabuluhang gawain sa bahay.
Ayon kay Villar, may tutorials sa internet kaugnay sa basic instructions sa home garden.
“Hindi kailangan ng malaking lupain. You can plant in small spaces or containers and start with crop varieties that are easy to grow like pechay, sili, tomato, eggplant, okra, calamansi, among others,” sabi pa ni Villar.
Idinagdag pa ni Villar na dapat isulong ang urban agriculture at vertical gardening para manatili ang mga tao sa kanilang bahay upang maiwasan ang pagkalat ng  COVID-19.
Palagiang isinusulong ng senador ang home gardening bilang food security strategy at ready source ng pagkain lalo na sa panahon ng stress gaya ng bagyo, frost, volcanic eruption at sa oras ng health emergency.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *