Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Caloocan City.
Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek, na dawit sa insidente ng panghoholdap sa isang mag-asawa sa Barangay 171, Bagumbong noong gabi ng Lunes, ayon sa ulat na inilabas ng National Capital Region Poilice Office (NCRPO).
Ayon sa kuwento ng biktimang si Mary Grace Morales sa mga pulis, naglalakad sila ng kaniyang mister bandang alas-8:15 ng gabi nang hintuan ng 3 nakamotorsiklong suspek, na nagdeklara ng holdup.
Tinangay sa mga suspek ang P395,000 cash, mga alahas na nagkakahalagang P45,000, at ang kanilang mga lisensiya at ID, sabi sa ulat ng pulisya.
Matapos magsumbong sa mga awtoridad, naaresto umano sa follow-up operation noong Martes sa parehong lungsod ang isa sa mga suspek na kinilalang si Michael Dela Roso.
Ibinunyag umano ni Dela Roso sa mga pulis ang kinaroroonan ng kaniyang mga kasamahan at ang isa rito ay natunton sa Jovan Street sa Barangay 171.
Nang subukang arestuhin ng mga pulis, sinubukan ng suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.
Nakipagbarilan ang suspek sa mga pulis, na ikinamatay niya, sabi ng NCRPO.
Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa isang kasamahan nina Dela Roso at ng nasawing suspek.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *