Higit P455m shabu huli sa Las Piñas | Top Stories

Higit P455m shabu huli sa Las Piñas

NASA P455.6 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), PDEA-NCR, at Las Pinas PNP sa anti-illegal drugs operation kahapon ng madaling araw sa F Manalo St., Golden Acres Subd., Las Piñas City.
Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Archie Gamboa, ang nasabing operasyon ay follow-up sa naunang operasyon sa Makati City kungsaan nadakip ang isang Chinese national na si Liu Chao.
Sinabi ni Gamboa na nasa ka-buuang 67 kilograms ng shabu na may market value P455.6 million.
Batay sa report, isang Ms. Maria Clavo na may-ari ng apartment ang tumawag kay PLt.Gen. Camilo Cascolan at sinabihan hinggil sa umano’y iligal na droga na naka-imbak sa isang apartment na nirerentahan ng isang tenant sa kaniya.
Agad na nag-request ng tulong sa PDEG at SWAT team ang Heneral para magsagawa ng ope-rasyon.
Kinilala ng may-ari ng apartment ang tenant na si Melanie Salem, umanoy live-in partner ng naarestong suspek na si Joel Bustamante nuong November 27, 2019 sa Las Pinas.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close