MAHIGIT sa 100 turista mula China ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Cielo Villaluna, spokesperson ng Philippine Airlines (PAL), ang mahigit 100 turista ay kabilang sa halos 300 pasahero ng tatlong eroplano mula sa China na nakapasok pa ng bansa bago inanunsyo ang ban sa mga magmumula ng China, Hong Kong at Macau.
Dalawampu, aniya, ang agad namang nakasakay ng ibang airline pabalik ng Hong Kong, samantalang ang nasa 80 iba pa ay isasakay sa chartered flight pabalik ng China.
Aminado si Villaluna na malaki ang epekto ng ban sa PAL.
Humigit kumulang, aniya, sa 18,000 pasahero mula sa China, Hong Kong at Macau ang mawawala sa PAL sa loob lamang ng isang linggo.
Gayunman, tiniyak ni Villaluna ang buong suporta ng PAL sa adhikaing ito ng pamahalaan para maiwasan ang paglaganap ng 2019 novel coronavirus (nCoV).
Kapwa aminado ang PAL at Cebu Pacific sa laki ng impact sa kanila ng ban sa lahat ng magmumula sa China, Hong Kong at Macau.
Nagkagulatan nang i-anunsyo ng Malacañang ang ban sa pagpasok sa bansa ng sinumang magmumula sa China, Hong Kong at Macau.
Dahil dito, sinabi ni Grifton Medina, port operations chief ng Bureau of Immigration (BI), na nagpasya sila na huwag nang magpapasok ng kahit anong nasyonalidad basta mula sa China, Hong Kong at Macau.
Umabot, aniya, sa 200 hanggang 300 pasahero ang hindi nila pinapasok dahil galing ang mga ito sa China, o sa Hong Kong o Macau.
Ayon kay Medina, nagpalipas ng gabi sa exclusion room ng NAIA ang mga dayuhan habang nag-aantay ng flight pabalik sa kanilang bansa.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

2 thoughts on “Higit 100 turista mula China hinarang, pinabalik”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *