HIGHWAY SA BATANGAS 3 KILOMETRO ANG HABA NG BITAK

LEMERY, Batangas — Isang malaking bitak na nasa 3 kilometro ang haba sa kahabaan ng national highway at mga nasirang bahay dito kahapon, habang nagbabanta na namang sumabog ang bulkan Taal.
Ang bitak sa Barangay Sinisian East ay unang nakita ng mga awtoridad isang araw pagkaraan magbuga ng makapal na abo na umabot sa Metro Manila, sabi ng kapitana ng barangay na si Teresa Atienza.
Pero pagkatapos ng mga paglindol dulot ng bulkan, ang bitak ay humaba kahapon, mula sa bulubunduking lugar hanggang tabing dagat na residential area, kungsaan 20 bahay ang nasira, sabi ng kapitana.
Ang ibang bitak mula sa naunang bitak humaba pa, dahilan ng pag-angat ng aspalto sa ibang erya.
Hindi pa umano natitingnan ng mga taga-Phivolcs ang mga nasabing bitak.
Hinihikayat ang mga motorista na iwasan dumaan sa naturang kalye.
Ang bulkan Taal ay nagsimulang pumutok Linggo ng hapon at ang malakas na pagbuga nito ng abo at pagbaga ng crater ay nung gabi hanggang Lunes ng umaga, kungsaan inilagay ito sa Alert Level 4.
Posible pa umanong sumabog ng malakas ang bulkan, sabi ng Phivolcs.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *