IIMBESTIGAHAN ngayon ang isang station commander ng Manila Police District (MPD) matapos na mag-viral sa social media ang ginawa niyang pagbabanta sa mga residente na kanyang pagbabarilin kapag lumabas sa kanilang mga bahay ng wala sa oras sa Quiapo, Maynila.
Nabatid na iniutos ni MPD Director PGen Rolando Miranda, na imbestigahan si PLt Col. Reynaldo Magdaluyo, station commander ng MPD-Police Station 3 matapos na mag-viral ang video nito.
Sinabi naman ni Magdaluyo na hindi siya nagsisi sa kanyang ginawa at inamin niya na siya nga ang nasa video.
Ayon kay Magdaluyo, ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin dahil marami talaga sa mga residente ang pasaway at kahit na nagpapatupad ng lockdown, patuloy pa rin nasa kalsada.
Bukod pa dito, sinabi ni Magdaluyo na may mga ilang Patients Under Investigation (PUIs) at Person Under Monitoring (PUMs), ang nasa lugar.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *