IIMBESTIGAHAN ng Senado ang umano’y pag-take over ng China sa power grid ng bansa kungsaan ibinunyag ng isang opposition solon na binigyan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga ito ng kapangyarihan na higit pa sa advisory roles at iginawad ang 43 kontrata sa Chinese firms.
Sa isang privelege speech, sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na hawak na niya ang mga dokumento na nagpapatunay na kontrolado na ng China ang power grid ng bansa.
Ayon kay Hontiveros, pinasisinungalingan ng mga dokumento na nakarating sa kanyang tanggapan ang pahayag ng NGCP na ang State Grid Corporation of China (SGCC), na may 40% stake sa grid ng bansa, ay isang technical adviser lamang.
“Mawalang galang, ngunit ito ay pinabubulaanan ng mga dokumentong nakarating sa aking tanggapan,” ani Hontiveros.
Aniya, patutunayan ng mga hawak niyang dokumento na sina Chinese national Wen Bo ay hinirang na NGCP Chief Technical Officer, habang isang Liu Zhaoquiang ang itinalagang Assistant Chief Technical Officer for Operations and Maintenance.
“Correct me if I am wrong, but if your designation is operation and maintenance, you work in the nuts and bolts of the enterprise. Ang malala pa, the current chairperson of the NGCP is Zhu Guangchao of the State Grid Corporation of China,” wika ng senadora na tinutukoy ang isang news report.
Ngayong nasa kamay na ng mga Chinese ang power grid, sinabi ni Hontiveros na hindi na nakapagtataka na regular na ipinadadala ang mga Filipino engineer sa China para lumahok sa training programs na hino-host ng State Grid Corporation of China.
“Ang chairman Chinese, halos lahat ng contractors Chinese, ang systems software made in China, at ang training sa China, pero dapat magtiwala at maniwala tayo na ito ay “Filipino-run”? It is my duty as a legislator to sound this alarm. It is our duty as the legislature to ensure that the interests of Filipinos are adequately protected,” dagdag ng senadora.
Ibinunyag din ng senadora na may 43 kontrata ang iginawad ng NGCP sa mga Chinese firm.
“Materials for the infrastructure of the transmission lines have been supplied by Chinese firms using Chinese designed technology. I am prepared to show you a list of Chinese corporations that won contracts with the NGCP. Makikita sa listahan na ito na 43 contracts have been awarded to Chinese corporations,” anang senadora.
Si Hontiveros ay naghain na sa Senado ng isang resolution na humihiling na imbestigahan ang implikasyon sa pambansang seguridad ng partial Chinese ownership sa, at kontrol ng, power transmission grid ng bansa.

  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    8
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *