NANAWAGAN si Mayor Isko Moreno sa lahat ng daycare teachers sa Maynila na habaan ang kanilang pasensya sa pagtuturo sa mga paslit dahil aniya ito ay kanilang responsibilidad.
Sa isang pakikipagharap ni Moreno sa mga daycare teachers sa City Hall kahapon ay pinaalalahanan niya ito bilang ikalawang magulang ng mga bata.
“Kayo ay kabilang o kasama na humuhulma sa kabataang Manilenyo. Kayo ang humuhulma sa mga susunod na nanay, tatay o lider ng bansa kaya sana ay habaan ninyo ang inyong pasensiya,” ayon sa alkalde.
Ikinatwiran pa ni Moreno na: “Naturally, makulit talaga ang mga ‘yan kasi bata. That’s why they need guidance…it’s all up to you now. Malaki ang part ninyo bilang second parents.”
Tiniyak din ni Moreno sa mga daycare teachers na hindi sila maaalis sa kanilang posisyon ng dahil lang sa kanilang pulitikal na paniniwala.
Gayunman, hiniling ni Moreno na huwag hayaan ng mga daycare teachers na maging hadlang ang kanilang paniniwalang pulitikal sa kanilang tungkulin.
Sinabi pa ni Moreno na ang kailangan ngayon ay pagkakaisa upang maibalik sa dating sigla, proregreso at ganda ang siyudad ng Maynila.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *