‘Gun for hire’ na target ang pulis, timbog

HULI sa checkpoint ng mga tauhan ng Manila Police District -Traffic Enforcement Unit ang isang ‘gun-for-hire syndicate’ na sangkot sa pagpatay sa isang pulis.
Kinilala ang suspek na si Allan de Castro alyas Allan Metallica, na nahulihan ng da-lawang kalibre. 45 baril Bi-yernes ng gabi.
Nang masita sa checkpoint, nagtaka ang mga pulis kung bakit ito nakasuot ng bullet proof vest gayung hindi naman ito alagad ng batas.
Sa imbestigasyon, nabatid na plano ni De Castro patayin ang isang Police Captain Evangelista na dating naka-talaga sa Navotas Policebilang paghihiganti sa pagpatay ng huli sa kapatid nito.
Nakalkal din sa ilang ulat na si De Castro ang responsible sa pagpatay sa isang PO1 Christopher Estor na sumita sa kanya sa Road 10, sakop ng Navotas, noong Marso 2012.
Napiit umano sa New Bilibid Prison si De Castro sa loob ng sampung taon.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *