Grabeng pagbaha sa Cagayan at Isabela; illegal logging buking

SAY ng isang propesor ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), maituturing na “Graffiti Art” ang ginawa ng grupong “Panday Sining” ng militanteng Anakbayan na pagbaboy o pagpinta ng kung anu-anong salita laban sa gobierno sa bagong pinturang underpass, Lagunislad, malapit sa City Hall ng Maynila.
Ang underpass na ito, na matagal na panahon napabayaan at nabihisan lamang ngayon sa administrasyon ni Mayor Isko Moreno, ay sinulatan ng pinturang pula ang wall ng mga salitang atake sa gobierno, bagay na ikinagalit ng netizens, turismo ng Maynila lalo na ni Mayor Isko Moreno. Nasabi tuloy ng batang alkalde na padidilaan niya sa mahuhuling militante na nagba-vandalise sa mga wall ng underpass.
Sa pag-viral ng bandalismong ginawa ng mga miembro ng Anakbayan, humingi ng pasensiya ang mga ito. Pero iginiit parin ng mga tarantado na arts ang kanilang ginawa.
Kung arts para sa mga tarantadong ito ang kanilang pagbaboy sa malinis na wall ng Lagusnilad, gawin din kaya nila ito sa pader ng kanilang bahay. Tingnan natin kung hindi sipa at batok ang abutin nila sa kanilang mga magulang.
Para naman dito sa propesor ng UP na sinasabing “graffiti art” ang pagbaboy nitong mga miembro ng Kabayan sa Lagusnilad, ano kaya kung sa wall ng UP ito gawin? Baka ipahuli at ipakulong nila ang mga miembrong ito ng Panday Sining?
Mayroong ordinansa ang gobierno ng Maynila laban sa vandalism. May multa mula P1,000 hanggang P5,000, at kulong na hindi bababa sa 6 months hanggang 1 year. Mas gusto ko ang naisip na parusa ni Yorme, ang padilaan sa nag-vandalise ang kanyang ginawa. Dapat!
Ang vandalism ay hindi makatutulong sa pag-unlad ng isang bayan o lungsod, at lalong hindi makapupukaw sa atensyon ng mamamayan, sa halip ay ikagagalit lang ito ng concerned citizens. Mismo!!!

Allowance ng CAFGU kinakaltasan pa

ISANG CAFGU ang nag-text sa atin. Nananawagan siya sa mga kinauukulan tungkol sa kanilang allowance:
“Sir, may iparating po kami na reklamo sa mga kinauukulan, partikular sa Department of National Defense o sa AFP. Na kung maaari po sana ang aming allowance na kapiranggot ay sa ATM nalang namin wiwidrohin. Kasi kapag cash ay may kinukuha silang deduction sa aming allowance. Nalilito na po kami na mga CAFGU. Bakit ganyan? At sana po ay madagdagan din ang aming allowance at benepisyo. Maawa naman kayo sa amin mga CAFGU. Nagtatrabaho naman kami ng tapat sa bayan. Sana pahalagahan din kami.” – CAFGU from Aklan
Noong Disyembre 2018 ay inanunsyo ni Pangulong Rody Duterte na kanyang pinadagdagan ang allowance ng CAFGU. Anyare?

PAGCOR financial assistance ‘stop’

Text ng isang nanghingi ng financial assistance sa PAGCOR: “Sir Joey, report ko lang po yung PAGCOR house annex sa may UN Avenue. Last Sept. 2019 marami po kami pumila para sa medical assistance para sa mga sakin namin. Na-comply po namin mga kailangan at kinuha at proceso na nila, tapos makaraan ng 2 buwan sa followup denied daw application namin dahil cancer at dialysis patient lang daw tutulungan nila. Nanloko sila ng pasyente po. Sana pagalitan sila ni Pres. Duterte. Pinahirapan nila kami sa pagsumite ng requirements, tapos denied.” – 09051306…
Itinigil ng PAGCOR ang pagbibigay ng financial assistance dahil may nabuking na namemeke ng pangalan ng pasyente para makahingi ng tulong.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close