Grade 5 pupil papasok sa iskul ginahasa, pinatay pa

ISANG batang babae ang natagpuang walang buhay at umano’y ginahasa pa sa harap ng isang bahay sa Angeles City, Pampanga nitong Martes.
Ayon sa ulat, papasok ng eskwela ang 11-anyos na biktima nang dalhin ito sa isang pi-nabayaang bahay at tinali ang kanyang mga kamay at leeg.
Ang nag-report sa insidente ay ang nagpakilalang caretaker ng bahay, pero siya rin pala ang primary suspect sa krimen.
“Merong witnesses na nag-identify dun mismo sa reportee… at may nakita silang testigo na nagturo sa suspek na reportee mismo turned-out suspect ay may mga duguan na damit,” ani Col. Joyce Patrick Sangalang, director ng Angeles City Police Office.
Nang imbestigahan ang suspek na si “Loleng”, tinanggi muna niya na hinalay niya ang bata, pero umamin din siya sa krimen bandang huli.
Aniya, natagpuan nalang niya ang bata na walang buhay at dito na niya ito hinalay.
Ayon sa pulisya, dati nang nasangkot sa kasong rape at iligal na droga ang suspek.
Mayroon pa umanong lumang kaso si Loleng laban sa kanya.
Isa pang suspek sa panghahalay at pamamaslang kay Santos ang nadakip at kakasuhan, kasama ni Loleng, ng Murder in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act; habang may isa pa na tinutugis ng pulisya.
Hinihintay pa ang resulta ng medico legal ng biktima para makumpirma ang panggagahasa.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *