Grade 12 student patay-tumalon sa 5th floor ng paaralan

DAGUPAN CITY – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo kung bakit nagawang kitilin ng isang estudyante ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng kanilang paaralan sa Lungsod ng Dagupan.
Sa inisyal na impormasyong nakuha naiparating sa Dagupan City-Philippine National Police ang ulat bandang11:15 ng tanghali kahapon, subalit bandang 10:45 ng umaga nang tumalon ang 17-anyos na Grade 12 mula sa 5th floor ng isang unibersidad sa Barangay Tapuac.
Kabilang din sa inaalam ng pulisya ay kung bakit nasa paaralan ang biktima gayong araw ng Linggo at walang pasok.
Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang biktima, habang ang pamilya nito ay humiling ng privacy kasunod ng insidente.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close