Good day po. Concern ko po dito sa Bgy 287. Dis 3 Mla., sa Juan Luna, Binondo ay grabe ang trapik, 6:00am palang trapik na hanggang 11:00 ng gabi. Concern ko lang kapag may emergency sigurado patay ang pasyente o di kaya may sunog. Ang tatapang pa ng mga jeepney driver, mayron daw sila tarya kaya walang takot at walang pakialam. – Concerned citizen.

Perwisyo ang mga nakabalandrang trak sa Bgy. 28, Tondo

ami po mga taga-Landaska, Bgy 28 ay humihingi po ng tulong tungkol dito sa kalye papuntang RJY. Grabe na po ang mga nakaharang na truck, hindi na mailusot-lusot ang mga sidecar. Kaya bumababa nalang po kami at naglalakad. Tanong lang po: Palagay namin may rason po kaming magreklamo dahil mga botante naman kami ng nasabing barangay. Wag naman po sanang ningas kugon, paki aksyunan naman po. SALAMAT PO! – Concerned citizen.

Kabastusan ang pagtitinda ng bandila ng China sa Luneta

Pero mukhang hindi lang pagpapapansin ang motibo ng mga tao sa likod ng pekeng pagbebenta ng bandila ng Tsina sa Luneta Park. Sa lahat ng lugar bakit sa Luneta Park pa, kung saan naroroon ang bantayog ng ating pambansang bayani at napakalaking bandila ng Pilipinas? Bakit kung kailan nalalapit na ang Araw ng Kalayaan ay gagawin nila ito? Walang duda na pambabastos ito sa ating bansa at isang insulto.
Alam naman ng lahat ang isyu na namamagitan sa ating bansa at sa Tsina. Sana ay huwag ng paglaruan ng mga taong ito na walang magawa sa buhay ang nararamdaman ng mga Pilipino tungkol sa usaping ito.
May problema man o hindi pagkakaintindihan ay manatili sana ang respeto natin sa isa’t- isa at sa ating bansa. Hindi ito kailanman dapat nabibili ng pera kabayan! – Maricor Salvador, Malate, Manila

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *