Murang gamot suportado ni Sen. Bong Go

INIHAYAG ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na makatatanggap ng patas na pagtrato ang giant network na ABS-CBN sakaling makarating sa Senado ang pag-apruba sa prangkisa nito.
“Bibigyan po natin ng fair na pagdinig kung saka-sakaling umabot ito sa Senado. Ang amin naman dito ay kapakanan po ng bawat Pilipino, kapakanan ng mga empleyado at, rest assured, na ang interes ng bawat Pilipino ang mangunguna sa magiging desisyon ko,” ani Go.
Ayon sa senador magdedesisyon siya sa isyu sa tamang oras sa pagsasabing: “Ayoko pong magsalita muna bilang mambabatas dahil once approved by the Lower House, (the bills) will reach our office, ang Senado, at boboto po kami diyan, so I will decide by that time po kung dapat ba nating i-renew,” aniya.
Ang panukala na layong palawigin ang prangkisa ng ABS CBN ay nakabimbin pa sa House committee on legislative franchises, ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ito mapaso.
Sapagkat naipasa na ang panukala, sinabi nina Senate President Vicente Sotto III at Isabela Representative Antonio Albano sa mga nakaraang panayam na ang existing franchise ng ABS-CBN ay magtatagal hanggang huling araw ng 18th Congress sa March 2022 maliban na lamang kung magdesisyon ang Kongreso na ibasura ang renewal nito.
“Marami pong legal issues diyan kasi noong nakaraan po, including the CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines) ay pinayagang mag-operate while pending pa ang kanilang application for renewal,” ani Go.
“Nasa executive department na po ito, kung hahayaan sila ng NTC (National Telecommunications Commission) na mag-operate muna while the franchise is being heard sa Kongreso,” dagdag niya.
“Maraming legal issues ang pinag-uusapan sa ngayon. Antayin na lang po natin ang legal opinion ng DOJ (Department of Justice) o ng ating NTC,” sabi pa ng senador.
Nauna rito, naghain si Solicitor General Jose Calida ng petition for quo warranto sa Supreme Court na layong i-revoke ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa isyung foreign ownership at iba pa.
Pero naghain si Senator Grace Poe ng Senate resolution na nag-aatas sa Committee on public services na talakayin ang prangkisa ng giant netwok.
Suportado naman ito ni Go na nagsabing: “Karapatan po ng bawat senador na magpatawag ng hearing at pakinggan ang opinyon ng bawat Pilipino. Kung magkakaroon ng imbestigasyon ay tawagin po natin ang lahat para mapakinggan fairly at mapalabas ang katotohanan,” aniya.
“Kung kakailanganin po, pwede namang ipatawag si Solicitor General Calida para masabi niya kung ano ang mga violations (ng ABS-CBN) that he cited sa kanyang na-file sa Supreme Court, at bilang abogado ng gobyerno, ginagawa niya lang po ang kanyang trabaho.”
“Antayin na lang po natin ang Supreme Court kung ano ang magiging kanilang desisyon. Pinasagot naman ang both parties,” anang senador.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *