URONG SULONG

MAYROON isang netizen na nagbigay ng kanyang kuro-kuro: “Ano kaya pakiramdam ni [Manny Pacquiao] na ginawang tanga ni [Alan Peter Cayetano]?” Umugat ang opinyon sa hindi aktibong pagkakasangkot ni Manny Pacquiao sa opening ceremonies ng SEA Games 2019 sa Philippine Arena noong Sabado.
Si Manny Pacquiao ang nahirang na magsindi ng cauldron. Ito ang simbolo ng pagsisimula ng SEAG, isang palaro ng mga bansang kasapi ng ASEAN na ginaganap tuwing ikalawang taon. Sa hindi malamang kadahilanan, kinansela ang partisipasyon ni Mane.
Imbes ang aktuwal na pagsisindi ang masasaksihan ng milyong Filipino na sumubaybay sa opening ceremonies sa telebisyon, ang tape ng dry run noong Martes ang nasaksihan. Nakatayo lamang si Mane sa tabi ng cauldron sa New Clark City. Hindi siya kasali.
Dumaloy ang mga espekulasyon at haka-haka sa nangyari kay Mane. May kahalong pulitika. Katulad ni Cayetano na pinangangambahang tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022, pinaniniwalaan na naghahanda si Mane na sumabak sa halalang pampanguluhan. Sapagkat nagpahayag ng kanyang ambisyon si Mane, pinaniniwalaang pinipilay ng grupo ni Cayetano ang kanyang pangarap.
Walang sinasabi si Mane. Mukhang tinitiis niya ang pasimpleng kasalbahehan ni Cayetano. Hind natin malaman kung may resbak ang boksingerong tinaguriang “pambansang kamao.” Ano kaya ang masasabi ng aming kaibigan na si Rene Casibang?

***
TAMPULAN ng mga maanghang na usapan ang pagsayaw ni Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng SEAG sa Philippine Arena. Usap-usapan rin ang pagsama ni Bato dela Rosa sa sayawan. Mistula silang dalawang payaso sa okasyon.
May nagkomentong netizen na mukhang nandidiri si Sultan Bolkiah kay Duterte. Magkatabi sila sa entablado. Hindi ngumingiti si Bolkiah at kulang na lang itulak si Duterte papalabas ng entablado. Hindi maikakaila sa hilatsa ng mukha ni Bolhia na hindi siya natutuwa kay Duterte.
Hindi rin maipaliwanag kung bakit sumayaw rin si Bato. Nagmukha tuloy siyang kenkoy. Ani Archie Mendoza, isang netizen: “Mukhang may basis iyong naibulong sa akin ng kaibigan na doktor na gumagamit ng steroid si Bato. Nagsasayaw sa SEAG opening.” Ano kaya ang sagot ni Bato sa hinala ni Archie?

***

MGA PILING SALITA: “I will not be surprised if these people [who have been criticizing PH’s hosting of SEA Games 2019] are praying that we do not win.” – Tito Sotto, senador at komedyante
“In the opening of the London Olympics, the segment of the Queen and James Bond was pre recorded. May umangal ba?” – Tito Sotto, senador at komedyante
“Hindi nakita sa opening ceremonies si Pami, ang mascot ng SEAG.” – Nangni B.
“Torch relay na naging torch replay?” Steuart, netizen

***
TINIYAK ni Bise Presidente Leni Robredo na ilalabas niya ang ulat tungkol sa mga natuklasan niya sa digmaan kontra droga. Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila noong Linggo, sinabi ng Pangalawang Pangulo na gagawin niya ang pagsasapubliko sa pagtatapos ng SEA Games. Iginagalang niya ang palaro, aniya. Kailangang bigyan ng suporta ang mga atleta.
Sinabi ng Bise Presidente na hindi nabasa ni Duterte ang dalawang ulat na isinumite niya. Mayroon rin siyang pangatlo, ngunit sinibak na siya bilang co-chair ng ICAD, anya. Wala siyang magagawa kundi isapubliko ang mga iyon.
Binanggit ng Bise Presidente na hindi niya papatulan ang mga patutsada ng tila nag-uulyanin na si Duterte laban sa kanya. Ano pa ang masasabi natin kundi go, go,go? Huwag sanang tigilan ni Leni ang mga masasamang loob.

***
MAY apat na bahagi ang pamamahala sa anumang sakuna o kalamidad: disaster prevention (pag-iwas hanggang maiiwasan); disaster preparation (paghahanda sa mga kalamidad); disaster mitigation (pagharap upang maibsan ang masamang epekto ng kalamidad); at disaster rehabilitation (mga akmang gagawin upang mabalik sa normal ang buhay ng isang apektadong komunidad).
Pinakamahirap ang rehabilitasyon. Hindi madali ang ibalik sa normal ang takbo ng buhay sa mga sinalantang pamayanan. Dito gumugugol ng malaking halaga, panahon, at sama-samang pagtutulungan ang mga apektadong mamamayan at pamahalaan.
***

ISA kami sa mga nakapansin kay Frankie Pangilinan, ang anak ni Senador Francis Pangilinan at Sharon Cuneta na kasalukuyang nag-aaral sa Estados Unidos. Siya ang sumagot sa tsismis na ipinalaganap ni Duterte. Walang gatol niyang sinabing sinungaling si Duterte sapagkat hindi naman totoo na maghihiwalay ang kanyang mga magulang.
May kahalong panlilit kay Duterte ang pahayag ni Frankie. Tama naman ang bata. Bakit makikialam si Duterte sa personal na buhay ng mag-asawa? Tinawag tuloy siyang Indoy Badidoy. May isang netizen ang nagpahayag na mukhang nais ni Duterte ang isang buhay sa showbiz dahil hindi niya kaya na magpatakbo ng bansa.
***

Abala sa paghahanda ang grupong Because We Can Let’s Help sa gagawing relief operation sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy. Kinabibilangan ang grupo ng mga kasapi ng media na beterano sa ginawang relief ops sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban.
Paano makakalimutan ang ginawang kabayanihan nila Usec. Benny Antiporda, Paul Gutierrez, Eric Garafil at mga tisoy, kasama tayo, na myembro ng National Press Club? Hindi rin matatawaran ang suporta ni Atty, Cheloy Garafil.
  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close