Pinagsasaksak ng screwdriver ang isang ginang sa Odiongan, Romblon.
Suspek ang lalaking kinakasama ng anak ng biktima.
Madaling araw nang pasukin ng nakainom na si Carl Fabiculana ang bahay ng biktimang si Lucy Maga-ngo.
Ilang beses na sinaksak si Maga-ngo na nagpapagaling na ngayon sa ospital.
Naaresto naman si Fabiculana na wala pang pahayag.
Nahaharap siya sa reklamong frustrated murder.\

Bata nanununog ng bahay
at tindahan, tukoy na

CENTRAL MINDANAO – Kilala at tukoy na ng mga otoridad ang isang menor de edad na nanununog ng mga kabahayan at tindahan sa Kabacan North Cotabato.
Ito mismo ang kinumpirma ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
Matatandaan na ilang kabahayan at tindahan ang sinunog ng serial arsonist na bata sa bayan ng Kabacan.
Unang nahuli ang kasama ng suspek sa operasyon ng pulisya at mga force multipliers sa Kabacan.
Bago lang ay isa namang bahay at tatlong tindahan ang sinunog ng isang bata na nagdulot ng pagkabahala ng mga residente.
Ngunit pinawi naman ni Mayor Herlo Guzman, Jr., ang takot at pagkabahala ng mga residente lalo na ang mga negosyante sa Kabacan.
Sinabi ng alkalde na tukoy na nila ang nag-iisang nalalabing suspek na bata na may deperensya sa pag-iisip.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “Ginang, pinagsasaksak ng screwdriver ng ka-live in ng anak”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *