German teacher, 2 Pinoy arestado sa cocaine at damo | Top Stories

German teacher, 2 Pinoy arestado sa cocaine at damo

TIMBOG ang tatlong drug suspect na isang German national, Fil Am at isang Pinoy matapos makipagtransaksyon sa poseur buyer na operatiba ng Cavite Police sa Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite, Martes ng umaga.
Kinilala ang mga dinakip na sina Andreas Waltney alyas Andrew, 34, English teacher, ng 1035 Rizal Blvd Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna; Patrick Paredes, 22, ng 459 Sonny Boy St., Bgy Hulo, Mandaluyong City; at Alex Joel Tolentino, 44, ng 14L Bldg 9 3rd St, Taguig City.
Nabatid na katransaksyon ng mga operatiba ang German at nagbenta ng 4 pouch ng high grade marijuana kush na tumitimbang ng 112 gramo kapalit ng P128,000 boodle money
Narekober din sa Pinoy at Fil Am na suspek ang apat na pouch ng dried marijuana at isang sachet ng cocaine na tumitimbang ng 3.24 gramo worth P24, 000. Nakuha rin sa mga suspek ang anim na pakete ng party drugs.
Sinabi ni Waltney na driver lamang siya at binabayaran ng hanggang P10,000 pag magpapa-drive ang mga kasama niya para mag-deliver ng droga
Kolektor naman at taga-remit ng perang pinagbentahan ng droga ang papel ng Pinoy na si Patrick. Ayon sa kanya, sa isang “Alvin” na taga-Mandaluyong City niya inireremit ang nakokolektang pera sa droga.
Habang for medication sa kanyang gout ang dahilan ng Fil Am na si Alex, gayunma’y sasampahan pa rin sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close