Formal advise kay Trump sa pag-isnab ni Duterte sa US-ASEAN Summit, ipapadala – Malakanyang

Nakatakda pang magpadala ang Malacañang ng pormal na abiso kay US President Donald Trump kaugnay ng pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa United States-Association of Southeast Asian Nations (US-ASEAN) Summit sa Las Vegas sa Marso ngayong taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., ang bahalang magsagawa ng direktang komunikasyon sa hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa nasabing event.
Ayon kay Sec. Panelo, dapat lang na magkaroon ng pormal na abiso dahil pormal din namang nagpadala ng imbitasyon si Pres. Trump.
Marami aniyang dahilan ni Pangulong Duterte sa pasyang hindi pagpunta sa US at isa na rito ang ginawang pagkansela ng US sa visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *