Extension sa paggamit ng 2019 budget ibabasura ni Duterte kung...

SWS: 70% Pinoy nababahala sa pagdami ng Chinese workers sa bansa

Malabong ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extension ng paggamit ng 2019 national budget.
Magugunitang ipinasa na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para palawigin hanggang Disyembre 2020 ang 2019 national budget.
Inihayag ni Senate Finance Committee chairman Sonny Angara, na layunin nitong matiyak na available ang pondo para sa calamity fund at iba pang quick response fund na magmumula sa 2019 bugdet.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, titingnan muna ng pangulo ang ligalidad nito.
Ayon kay Sec. Panelo, kung labag ito sa Saligang Batas ay agad na veto ang gagawin rito ni Pangulong Duterte.
“Basta if it is in violation of the Constitution he will veto it, di naman nagbabago iyon,” ani Sec. Panelo.
Matatandaang na-delay ang paglabas at paggamit ng 2019 national budget dahil sa maraming isyu ng Kongreso habang ipinapasa ito.
Nito lamang Setyembre, naglabas ang Malakanyang ng isang executive order para sa isang cash-based system kung saan nililimitahan lang dapat sa loob ng isang taon ang paggamit at pagpapatupad ng national budget.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close