EX-LAWYER NA ARNIS GRANDMASTER KULONG SA CYBERLIBEL!

ARESTADO ang isang arnis grandmaster at dating abogado na si Dionisio Cañete dahil sa kasong Cyberlibel nitong Martes ng hapon.
Dinakip si Caneta matapos niyang akusahan ang ilang Cebu City prosecutors sa pagiging “corrupt” ng mga ito.
Ikinasa ang arrest warrant kay Cañete nang maghain ng libel complaint ang isang prosecutor mula sa Cebu City Prosecutor’s Office laban sa umano’y mga malisosyong komento ng arnis grandmaster sa kanyang social media account.
Ayon naman kay Cañete, tatlong taon na angnakalipas nang i-post niya ang mga komento kungsaan inilantad niya ang 15 prosecutors ng Cebu City na umano’y gumagawa ng kurap-syon.
Tumanggi naman siya na magpiyansa at sinabing mas gugustuhin na lamang niyang makulong kesa magbayad para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Canete ay dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu Province Chapter mula 1983 hanggang 1986.
Tinapos niya ang 56 taon na karera bilang abogado nang isuko nito ang kanyang lisensya sa Supreme Court bilang protesta sa sinasabing laganap na kurapsyon sa judiciary at prosecution service.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *