Estudyante timbog sa P1m shabu | Metro News

MAHIGIT P1 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa isang estudyante na isa umanong tulak, at nahuli rin ang tatlo niyang parokyano sa barung barong sa Quezon City.
Ang suspek ay si Jeth Russel Biatin, 21, isang alternative learning student (ALS), ng Old Balara, Quezon City; at ang tatlo niyang parokyano, ang may-ari ng bahay na si RJ Viovicente, isang Gerry Roxas, at Antonio Neri.
Nasamsam mula sa kanila ang aabot sa 150 gramo ng shabu na itinago sa kahon ng cellphone. Tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng droga.
Ayon kay Col. Romulus Gadaoni, hepe ng Batasan Police Station, “Yung source ng kanilang droga ay nanggagaling pa sa Bicutan. Itong mga nahuli na ito ay nakakaubos sila ng halos kalahating kilo ng droga sa loob lamang ng isang linggo.
Pahayag naman ng pangunahing suspek na si Jeht: “Nagipit lang po. Wala na po akong mga magulang ako nalang po bumubuhay sa mga kapatid ko.”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close