Estudyante nagbaril sa sentido

PATAY ang isang 23-anyos aeronautical student matapos magbaril sa sentido kamakalawa ng tanghali sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila.
Wala nang buhay at duguan ang ulo ng abutan ng kanyang mga magulang ang si Clark Kenn Condez, aeronautical student sa Air Link at residente ng 265 Eduque St. Balut, Tondo.
Sa imbestigasyon ni EMS Jonathan Bautista ng MPD-Homicide Section, nadiskubre ang bangkay bandang 12:00 ng tanghali sa kuwarto ng biktima. Nakuha malapit sa bankay nito ang isang baril na Taurus .40 calibre.
Ayon sa ama ng biktima na si Rodante, huli niyang nakitang buhay ang anak nitong Linggo, 11:00 ng gabi. Umalis umano silang mag-ama ng bahay para mamili at dumalaw sa lolo ng biktima.
Pag-uwi ng bahay, tinawag ni Rodante ang biktima. Pero nagtaka sila kung bakit hindi ito sumasagot sa kabila ng ilang beses nang pagtawag dito.
Pinuntahan ng ama ang kuwarto ng biktima pero naka-lock, at sa hinalang may nangyaring hindi maganda ay puwersahan nilang binuksan ang pinto at dito tumambad ang nakabulagtang anak.
Isang tama ng bala sa sentido ang naging sanhi ng kamatayan ng binata.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close